Panawagan Para Sa Aking Mga Kababayan

Subukan ko Tagalugin ang blogpost na ito para tayong mga Pilipino lang ang makaintindi.

Una sa lahat, umaasa ako na magpapakahinahon muna ang lahat sa sensitibong panahon na ito. Huwag na sanang dagdagan pa ng ilan sa mga kababayan natin ang sakit at galit na nararamdaman ng mga taga-Hong Kong. Tanggapin natin na kung ano man ang nararamdaman nila ngayon ay dala lamang ng galit na natural lamang na mararamdaman nila dahil sa nangyari sa kanilang mga kababayan.

May kumakalat ngayong litrato ng ilang mga kabataang estudyante na nagpapakuha ng litrato malapit sa lugar na pinangyarihan ng hostage taking. Huwag na sana natin itong ipakalat pa. Umabot na sa kaalaman ng mga taga-Hong Kong ang naturang litrato.

Hindi katakatakang galit ang reaksyon nila dito. Hindi rin naman magiging katakataka kung dahil sa litratong ito ay makapagbitiw din ang mga taga-Hong Kong ng hindi magagandang salita laban sa mga Pilipino at sa Pilipinas. Kung mangyayari man ito huwag na sana nating patulan. Walang mapapala ang sinoman sa atin kung mauwi pa sa awayang Pilipinas at Hong Kong ang isyung ito.

Alalahanin nating may mga kababayan tayong nagtatrabaho sa Hong Kong.

Dun naman sa mga batang nandoon sa litrato, sana naman maging aral ito sa inyo. Batid kong kaya nandoon ay dahil kasama kayo sa mga dumalo sa ginawang seremonya para sa mga namayapa. Bagamat maganda nga at ginawa ninyo iyun, ang pagpapakuha ninyo ng litratong ito kung saan kitang kita pa ang inyong mga ngiti ay walang kaduda dudang makakasakit ng damdamin ng mga pamilya, kamag-anak, kaibigan at kababayan ng mga nasawi.

Sana maging aral ito sa inyo at sa iba pang mga kabataang Pilipino na marahil ay nagaakalang sa lahat ng oras ayos lang na magpa-cute.

Dun naman sa gumawa ng isang laro na halaw sa nangyaring trahedya ang ginamit na tema, kung totoong Pilipino ka nga sana mabasa mo rin ito. Pakiusap lang brod, alisin mo na yung ginawa mong laro at huwag mo nang ilabas kailan man. Sablay na sablay ang diskarte mo.

Sa Philippine National Police, sana naman maging mapagkumbaba rin kayo sa panahong ito. Kahit ano pa ang sabihin ninyo malinaw naman na naging palpak ang inyong operasyon. Nariyan ang pruweba — siyam na tao patay. Oo, alam na namin na ginawa ninyo ang inyong makakaya, alam na namin na may mga kakulangan kayo sa gamit at marahil maging sa training. Ganunpaman responsibilidad ninyong tiyakin ang kaligtasan ng sino mang tao na nandirito sa ating bansa. Pumalpak kayo. Maging mapagkumbaba kayo at tanggapin ninyo ito.

Sa Media, sana maging mas responsable na rin kayo. Oo naiintindihan namin na trabaho ninyo ang maghatid ng impormasyon at balita. Nagawa ninyo iyun ngunit medyo sumobra. Sa inyong kagustuhan na ma-iskupan ang bawat isa umabuso kayo. Sana maging aral din ito sa inyo. Tigilan na ninyo ang mga ulat kung saan kitang kita naman ang inyong paggiging defensive. Hindi ito nakakatulong para pababain ang tensyon at nagliliyab na emosyon ng mga tao. Sana maging aral din ito sa inyo.

Sa ating Pangulo Benigno Aquino III, heto ang susubok sa inyong kakayahang mamuno. Noong panahon ng eleksyon, buong pagmamalaki ninyong iniharap ang inyong sarili bilang tagapagligtas ng Pilipinas mula sa mga kasamaang bumalot dito dulot — ayon sa inyo at sa inyong mga kaalyado — ng pamumuno ng dating administrasyon. Sana patunayan ninyo ngayon na isa kayong tunay na lider.

Sana matutunan ninyong dumiskarte base sa kung ano nga ba talaga ang tama. Bawas bawasan ninyo ang inyong dependence sa inyong mga eksperto sa komunikasyon. Tapos na po ang kampanya. Tigilan na ninyo ang pagpapatakbo sa bansa na para bang isa lamang itong palabas. Gawin ninyo ang tama hindi ang sa tingin ninyo ay maganda lamang tingnan o pakinggan.

Marami ang bumabatikos sa inyo ngayon dahil hindi naramdaman ang inyong pamumuno noong kainitan ng hostage drama. May basehan man o wala ang naturang batikos, tanggapin niyo na lamang. Pigilan ninyo ang inyong mga eksperto sa komunikasyon na diskartehan pa ang isyung ito gamit ang kaalaman nila sa public relations at propaganda.

Ito ang hamon sa inyo. Sana gawin ninyo ang tama at maging tunay na lider kayo sa mga panahong ito.

Nawa’y gabayan tayong lahat ng tamang pagiisip at paguugali.

Advertisements
This entry was posted in Others and tagged , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

10 Responses to Panawagan Para Sa Aking Mga Kababayan

  1. merz 501 says:

    thank u for the nice write up…
    i agree with everything you wrote.
    this must be the best thing for us to
    do right now..

    Alam kong yong tatamaan ng mga
    isisnulat mo ay sasabihin na naman
    nilang “saan ang kalayaan nila” ?
    but truly, let things lay low first
    this time…. and government officials
    must be assertive more also at wag
    lang “daldal ng daldal”!!!!!!!!!!!

  2. rEnzE says:

    it’s true. We (Filipinos) will all suffer the consequence of what Mendoza had done. Lets condemn the act but let’s pray for his family left behind.

  3. nayrb_0619 says:

    tama. !

    naantig ako sa BLOG na ito
    at naliwanagan na rin ako sa mga pangyayari.

    salamat po,.

    sana di na maulit ang ganung eksena sa
    buhay ng mga PINOY.

  4. orange kitty says:

    i love what you wrote.. and im gonna share this.. i hope you dont mind.. everything you said was true.. especially abt PNoy..

    • orange kitty,

      no problem. everything i write here is for public consumption. thanks.

      • orange kitty says:

        thanks.. a lot of people are already reading this.. i shared it on my facebook and twitter.. and yes this is the most rational blog i read.. until now.. di pa din ko maka move on.. ni hinde sya na overcome ng hype ng pagkapanalo ni venus raj..

  5. This is the most rational article I’ve read so far. Galit na galit ako sa mga taong pa-cute na kuha pa ng kuha ng profile pic nila at nakangiti pa. nakakasira ng umaga. But then again, this wouldn’t also happen if the officials or the officers around the crime scene area are REALLY careful to protect the place themselves AND FOR ALL I KNOW sila sila din nagkukuhanan ng pictures. sarap pagmumurahin ng harap harapan kahit hindi ko kilala. MIND YOU, I DON’T SHARE THEM. There’s just NO FRIGGIN WAY I’ll add exposure to these idiots. I hope everybody learns their lesson, be it the hard way or whatever. I know these idiots are beyond something i can control (at ayoko din naman magkaroon ng kinalaman pa sa kanila. nakakahiya lang) but this I can assure you, I will NOT let ANY of my friends and my people do the same thing as they did despite the sensitivity of the issue.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s